Mortgage Assistance Application - Tagalog

Nagbibigay ng serbisyo ang Programang Pagpapayo para Maiwasan ang Pagkaremata at Tulong sa Mortgage

Nagbibigay ng serbisyo ang Programang Pagpapayo para Maiwasan ang Pagkaremata at Tulong sa Mortgage ng Lungsod ng Tacoma sa mga karapat-dapat na may-ari ng bahay sa Lungsod ng Tacoma na, dahil sa emergency kaugnay ng COVID-19 o sa tugon sa ganoong emergency, ay nakaranas ng pinansyal na paghihirap at ngayon ay nagkukulang sa sapat na kita o mapagkukunan para bayaran ang kanilang mortgage. Mga Tampok ng Programa: - Makakatanggap ang mga karapat-dapat na may-ari ng bahay ng pagpapayo para maiwasan ang pagkaremata. - Maaari ding maging karapat-dapat ang mga may-ari ng bahay sa hanggang apat (4) na buwang pagbabayad ng mortgage na hanggang maximum na $6,000 kada may-ari. - Direktang isinasagawa ang mga pagbabayad ng mortgage sa Tagaserbisyo ng Pautang, kompanya ng mortgage o bangko sa ngalan ng may-ari ng bahay. Pagiging Karapat-dapat: - Ang may-ari ay kailangang nagmamay-ari ng bahay sa loob ng mga hangganan ng lungsod ng Tacoma at nakatira siya sa bahay na iyon. - Mga bayad sa mortgage na atrasado na makalipas ang Marso 1, 2020. - Ang kasalukuyang kita ng sambahayan ay kailangang nasa o mas mababa sa 80% ng Katamtamang Kita sa Lugar (mga kasalukuyang limitasyon sa kita na nakalista sa ibaba). Tandaan na ia-update sa Hunyo 1, 2021 ang mga limitasyon sa kita. Laki ng sambahayan/Maximum na halaga ng taunang kita 1/$48,450 - 2/$55,400 - 3/$62,300 - 4/$69,200 - 5/$74,750 - 6/$80,300 - 7/$85,850 8/$91,350 Kasama sa mga miyembro ng sambahayan ang lahat ng taong nakatira sa bahay na hindi umuupa o tagapag-alaga. Dapat isaalang-alang ang kita ng lahat ng miyembro ng sambahayan na 18 taong gulang o mas matanda. Gagamitin ng programa ang pamamaraan ng bahagi 5 ng Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod (Department of Housing and Urban Development, HUD) sa pagtukoy ng kita. Opsyonal ang paglalakip ng mga dokumento sa iyong aplikasyon; Para mapabilis ang proseso ng iyong aplikasyon, pakilakip ngayon, o maging handang ibigay sa ibang pagkakataon, ang mga kopya ng sumusunod: 1. Pahayag ng Mortgage. 2. Dalawang buwan na dokumentasyon ng kita para sa lahat ng miyembro ng sambahayan na 18 taong gulang o mas matanda. Kasama rito ang mga paystub, pahayag ng kawalan ng trabaho, panlipunang seguridad (social security), pensyon, Trabaho at mga Industriya (Labor and Industries, L&I), suporta para sa bata o iba pang katunayan ng kita. 3. Bayarin sa kuryente at tubig para mapatunayan ang pagtira sa bahay. 4. Maaaring hilingin ang karagdagang dokumentasyon para mapatunayan ang pagiging karapat-dapat. Pakikumpleto ang aplikasyon sa ibaba at isumite ito. Kapag naisumite na, makikipag-ugnayan sa iyo ang Tagapayo para Maiwasan ang Pagkaremata sa loob ng dalawang linggo. Kung may mga tanong ka, mag-email sa mortgageassistance@tpc-habitat.org o tumawag sa 253-627-5626 ext 106.

Select or enter value
Caret IconCaret symbol
Gustong Paraan ng Komunikasyon?

Kung hindi ka namin makausap sa pamamagitan ng gustong paraan ng pakikipag-ugnayan, susubukan pa rin naming makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng iba pang paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Mayroon bang alternatibong makakaugnayan na gusto mong idagdag sa aplikasyong ito?

Hindi kami magbabahagi ng sensitibong impormasyon sa alternatibong makakaugnayan, sa halip, hihilingin sa kaniya na sabihan kang tumawag sa amin.

Ikaw ba o ang isang miyembro ng iyong kasalukuyang sambahayan ay naglingkod na sa US Military?*
Mahigit 15 araw ka na bang huli sa pagbabayad ng iyong mortgage?

Isama ang kita mula sa Kita para sa May Kapansanan ng Panlipunang Seguridad (Social Security Disability Income, SSDI), Pansamantalang Tulong para sa Mga Nangangailangang Pamilya (Temporary Assistance for Needy Families, TAN-F), suporta para sa bata, atbp. Kung wala kang trabaho, huwag ibilang ang $600 kada linggo na maaaring natatanggap mo sa pamamagitan ng programa sa Pederal na Kabayaran para sa Kawalan ng Trabaho dulot ng Pandemya.

Bilang ng mga Nasa Hustong Gulang sa iyong sambahayan*
Bilang ng mga bata sa iyong sambahayan

Kinikilala mo ba ang iyong sarili bilang isang Hispanic o Latinx
Nakatira ka ba sa loob ng lungsod ng Tacoma
Select
Caret IconCaret symbol
Mayroon bang sinuman sa iyong sambahayan ang kinikilala ang kaniyang sarili bilang isang Hispanic o Latino
Select
Caret IconCaret symbol
Nawalan ba ng kita ang iyong sambahayan simula noong Marso 12, 2020
Select
Caret IconCaret symbol
Mayroon bang nag-apply sa iyong sambahayan para sa insurance sa kawalan ng trabaho
Select
Caret IconCaret symbol
Pahintulot sa Pagsisiwalat ng Impormasyon*

Sa pagpirma sa form ng pahintulot na ito, binibigyan ko ng pahintulot ang Pierce County at mga Tagapagbigay ng Serbisyo na i-refer ka sa ahensyang nagpapayo para maiwasan ang pagkaremata.